EPISODE 2 of 4
Araw ng Sabado, walang pasok habang nakabangon na ang lahat, si Eric naman ay nasa kanya pang higaan, iniisip ang nangyari noong isang gabi. Biglang tumunog ang kanyan cellphone, tumawag si Alice, "Hoy Eric, samahan mo ko sa mall, wala akong kasama eh",
"Busy ako" ang sagot ni Eric.
Narinig ni Eric na may kausap ang kanyang ama sa labas ng kanilang bahay, "nasa kwarto nya, andun pasukin mo nalang." ang wika ng kanyang ama. Namulat ang mata ni Eric, at biglang bumangon upang magdamit. Nang bumukas ang pinto ay si Alice pala, "anong busy, ang pinagsasabi mo eh, natutulog ka lang pala."
"Eh bakit ba kasi, ayokong sumama, gagawin mo lang akong taga buhat." ang tanggi ni Eric. "Please Eric, please" ang pakiusap ni Alice at biglang lumuhod sa harap ni eric na naka boxer lang. "Tumayo ka nga," ang hiyaw ni Eric. "Osige, gagayak ako maghintay ka sa labas, abala ka talaga kahit kelan." ang dugtong pa nya.
Nang makarating sila sa mall, Nag aya kagad sa department store si Alice, "Aba, hindi mu muna talaga 'ko pakakainin, nagugutom ako hindi ako nag almusal." ang reklamo ni Eric.
"Ocgee, san mo ba gusto kumain,"ang tanong ni Alice. Kumain sila at ng matapos ay namili na si Alice.
Inip na inip si Eric, habang abot naman ang sukat ng damit si Alice, Nagtingin tingin si Eric sa mga damit, at may nakita sya na kanyang nagustuhan, ngunit ng makita nya ang halaga ng damit ay binitawan nya ito. Nakita sya ni Alice, "wow, ang ganda nyan ah, isukat mo ", ang wika ni alice.
"Ayoko, kamahal, wala akong pambayad" ang tanggi ni Eric.
"E di, ako magbabayad, sige na sukat mo na" ang ingganyo naman ni Alice.
"Wag na, wag na" ang tangggi ni Eric at biglang umalis sa stall.
Hapon na noon ng matapos sila, umiika na si eric kalalakad. Habang naglalakad, "Sandali lang, Hoy huminto ka muna Alice."
"Bakit Eric, ang hina mo naman, sandali lang tayo naglakad eh."
"Tignan mo ton, boyfriend mo yon diba ? tignan mo may kalampungan oh. " ang wika ni Eric.
Nang matanaw ito ni Alice, ay sumagsag papunta sa kanyang boyfriend, ng makita siya ng kanyang boyfriend ay natahimik ito.
"hayop ka, malandi kang hayup ka, timer ka hayop ka" ang sigaw ni Alice na galit na galit habang hinahampas ang mga shopping bag sa kanyang boyfriend.
Inawat siya ni Eric, "tama na Alice" ang kanyang wika.
Iyak ng iyak si Alice, nakasalampak sa gilid ng hallway.
"Tama na yan oh, nakakahiya ang daming nakatingin, muka kang tanga" ang sabi ni Eric. Hinila nya si Alice sa isang upuan.
"Wag ka ng umiyak, hayaan mo na un, kapangit pangit eh." ang pagpapatahan na wika ni Eric.
"Niloko ako ng hampas lupang yon, yung tarantadong unggoy na 'yon" ang malakas na salita ni Alice. Nag tinginan ang lahat sa kanila.
Nahihiya na si Eric, "Alice, Tara nuod tayong sine para gumaan ang pakiramdam mo".
Nanuod sila ng comedy, Habang nasa loob at nanunuod, tawa ng tawa si Eric. Tahimik lamang si Alice.
"Huy, Alice ..tumawa ka naman, sayang yung entrance natin" ang wika ni Eric.
Bigla na lamang humagulgol ng iyak si Alice sa loob ng sinehan, natigil sa pagtawa ang mga nasa nanunuod, nakatingin sa kanilang lahat. "Buwisit na haliparot na lalaking yon, niloko ako ng hayop na yon, bakit Eric?, Pangit ba ko, hindi ba ko masayang kasama, bakit naghanap siya ng iba.?" ang iyak ni Alcie.
Namula sa kahihiyan si Eric, bigla nalamang niyang inakap si Alice, at isinubsob ang ulo nito sa kanyang dibdib upang hindi na marinig ng iba ang iyak nya. "Alice, nakakahiya, kadaming tao, tumahimik ka nga, pasalamat ka nga nalaman mo kagad, eh di kung hindi mo siya nakita ngayon, igagawa mo nanaman sya ng assignment sa monday, tapos ipag gagayak mo sya ng baon, tapos bibili mo ng gamit, eh ngayon nalaman mo , hindi mo na kailangan gawin lahat ng yon.."
humahagulgol pa rin si Alice, hanggang matapos si ang palabas.
Nang naglalakad sila pauwi sa kanilang bahay, malungkot pa rin si Alice. "wag ka na malungkot, gusto mo ba uminom, treat ko" ang aya ni Eric kay Alice.
Uminom sila, at mas malakas pang uminom si Alice kaysa kay Eric, napansin ni Eric na napaka tahimik ni Alice at naninibago siya.
"Wag mo nalang siyang isipin, madami pa dyan, madami ka pang pwedeng maging boyfriend, wag mo na sya isipin."
Napatingin si Alice kay Eric, at dumukdok ito sa kanyang balikat. Hindi ito umiiyak, ngunit halatang napakalungkot ni Alice.
Tahimik na lamang si Eric. kinonfort na lamang nya si Alice, Buong gabi sila sa labas ng kanilang bahay, gising ngunit hindi nagsasalita ang dalawa.
Nang makita ni Eric ang oras na alas-dose na pala, inaya na niyang umuwi si Alice. "Tara, hatid na kita sainyo, pahinga ka na bukas wala na yan." ang aya ni Eric.
"Ipasan mo ko, nahihilo ko" ang sabi ni Alice.
"Ikaw talagang babae ka pabigat ka, 'lika pumasan ka na".
Nangiti si Alice, at pumasan kay Eric.
Nagkekwento si Eric habang naglalakad, "nag away kami ni tatay nung isang araw, kelan kaya sya babalik sa dati? mula ng mamatay si nanay ganun na lang sya, di na nya kami naasikaso, kung hindi sugal, alak naman ang kaharap nya. " ang kwento ni Eric.
Hindi sumasagot si Alice dahil tulog na pala sya.
Nailing na lamang si Eric.
Nag makarating sa bahay, Nagpasalamat si Alcie, "Eric salamat hah, Oh eto" may inaabot si Alice na isang bag,
"Ano ba'yan " ang tanong niya
"yung damit na nakita mo kanina, binili ko para sayo."
"Naku, para sakin ba talaga yan, baka naman sa boyfriend mo yan"
"FYI, ex-, hindi ko na sya boyfriend, para sayo to talaga, thank you gift ko kasi pinagtyagaan mo ko maghapon." ang sabi ni Alice
NIyakap niya si Eric, at pumasok na sa loob ng bahay.
May hang over ang magkaibigan,
Nang magising si Eric, nag text kaagad siya kay Alice.
"Okay ka na? pag naiinip ka sabihin mo, kwentuhan nalang tayo hah, wag ka mag susuicide, hehe " ang txt ni Eric kay Alice.
"Good moring Eric, ano ka ba, hndi ako mag susuicide, nakakawala ng poise ang magbigti hano, hndi bagay sakin may lubid sa leeg, iwww." ang reply ni Alice.
Natawa naman si Eric.
Lunes ng umaga, Humiyaw si Maryo [ang kaibigan ni Sergio(tatay ni Eric)] "Sergio, nakahanap ako ng trabaho, halika kulang pa ng isang mason dun sa pinapagawang gusali sa kabilang barangay, ng kumita ka naman ng pera " ang anyaya ni Maryo.
"Pare, naku e masakit nga ang likod ko, hindi ko nga alam kung bakit" ang daing pa ni Sergio.
"Pare, igalaw galaw mo kase, nagdidikit dikit na mga buto mo sa katawan, ng mahasa naman yang buto mo"
" Naku pare sa susunod nalang talaga" ang mahigpit na pag tanggi ni Sergio.
"sige ikaw ang bahala, mauna na ko pare," ang paalam ni Maryo.
Paglabas ng bahay ni Eric, ay dirediretso sya, hindi pinansin ang kanyang ama,
"Anak.. Eri.." ang utal na pag tawag ni Maryo sa kanyang anak.
Hindi siya nilingon ni Eric. Dumaan pa ang ilang mga araw ay hindi talga kinikibo ni Eric ang kanyang ama. Nang isang pagkakataon ay, nilapitan sya ng kanyang ama.
"Eric, pasensya ka na nung isang araw mukang nasaktan kita."
Umalis si Eric, palayo sa kanyang ama,
"Eric, pasensya ka na anak"
" 'tay yang pasensya mo, walang silbe yan, maging ama ka, wag ka mag paka bata na parang natisod mo lang ako." ang sabi ni Eric.
"maging ama ka samin tay', hindi palagi mo nalang dahilan na para makalimut ka sa pagkamatay ni nanay." ang dugtong pa niya at umalis.
Tahimik ang kanyang ama, at naupo na lamang, napaisip.
Kinaumagahan ay, maagang umalis si Eric patungo sa paaralan.
Nakaupo si Mang Sergio sa kanilang bakuran, humiyaw nanaman si Maryo, "Ano pareng sergio, masakit pa rin ba ang likod mo, halika't sumama ka sakin ng may pang inom tayo mamaya." ang yayang muli ni Maryo.
Sumama si Sergio, binilinan si Precious na alagaan muna ang batang kapatid na si Janjan. "Tay' san ka ba pupunta, eh may lakad kami ng barkada ko eh, birthdayan yun tay."
"Huwag ka na muna sumama, baka hapon na ko makauwi magtatrabaho ako." ang mahigpit na bilin ng ama.
Hindi naniwala si Precious na magtatrabaho ang ama.
Nang katanghaliaan, habang nag lalaro si Janjan, dumating ang mga kaibigan ni Precious,.
"lika na, bilis" ang yaya ng mga kaibigan niya.
"Eh, magbabantay ako ng kapatid ko, di na ko sasama" wika ni Precious
"Ibilin mo muna sun sa isa mong pinsan"ang payo ng mga kaibigan
Napaisip si Precious, gumayak at ibinilin ang kanyang kapatid sa pinsan niya na naglalaro ng bingo.
Umalis sya, binigyan ng sampung piso ang batang kapatid.
Habang walang tao sa bahay nila Eric, abala naman sa pagtantos ng numero ang pinsan ni Precious, Naglalaro naman si Janjan.
Nakarinig siya ng kuleleng ng Icecream, napatakbo ang bata sa kalsada, na hindi pansin na may sasakyan palang padating. Nasagasaan ang bata. Sakto naman na pag baba ng tricycle ni Eric, nangmakita niya ang kapatid ay tinakbo niya kagad ito.
Tinulungan siya ng nakabangga sa bata.
Kabang kaba si Eric, at hindi mapakali.
Dumating ang ama niya may bitbit na supot,
"Anak, Eric, ano nangyaqre kay Janjan. "ang sagsag ni Sergio.
"Ano, nangyare nanjan,l nalumpo si Janjan, nsagasaan dahil sa kapabayaan mo tay".
"Napaka walang silbi mo talaga, wala kang silbing ama,"
Hindi na nakapag paliwanag si Sergio, tinanggap na lamang ang salita ng anak,
Nilapag niya ang supot na mag lamang litsong manok na binili nya galing sa una nyang sweldo sa pagtatrabaho.
TO BE CONTINUED.........
No comments:
Post a Comment