Friday, July 19, 2013

boundary (episode 1)

EPISODE 1 of 4


Umaga na naman, si Sergio hawak ang kanyang panabong na manok at mukang ikinukundisyon. Sa pagtilaok ng manok, nagising na si Eric, napipikit pa dahil sa puyat kagabi sa pagtatrabaho ngunit bumangon at nagtimpla na rin ng kape. Habang nag iinat ng katawan, binati nya si Precious, "Aba naman gising ka na, mukang puyat ka pa yata, wag ka muna pumasok sa eskwelahan, matulog ka ulit at mamayang gabi ay romonda nanaman kayo ng barkada mo" ang tuya ni Eric sa dalagang kapatid. Napatingin si Precious habang sinusuklay ang buhok,"Siryoso ka ba kuya?". "Hindi, lumabas ka dyan sa kwarto at magluto ka ng umagahan nyo ni bunso. Sa takot na hindi bigyan ng baon ay, nagluto na si Precious. Samantala, ng makagayak na si Eric tutungo na sa eskwelahan, humiyaw si mang Sergio,"aba anak papasok ka na, pahiram nga ng 3000 mo, eh lumapit sakin si pareng Mario gustong magsosyo kami sa pag bili ng isda sa Pangasinan, at ibebenta namin dito sa bayan, mukang magandang pagkakitaan yun anak. "Tay, sigurado ba yan, e si mang Maryo din ang nag aya sa inyo na mamakyaw ng gulay sa tumana at ibenta sa bayan ah, e wala namang nagyare sabi nyo nabulok ung gulay hindi nabili, tapos nung isang buwan lang humingi nanaman kayo, sabi n'yo sosyo kayo ni mang Maryo na manghuhuli ng baboy at kakatayin, hati kayo sa kikitain, E nakawala kamo ung baboy at hindi nyo na nakita, ngayon naman isda? Baka naman 'tay makawala din ung isda at makabalik sa dagat, nasasayang lang ang pera." NAyuko si Sergio at lumapit sa anak, "anak pasensya ka na talaga mukang malas lang ang tatay, pero pano tayo kikita kung si susubukan, alam mo ba na si Bill Gates bago yumaman 'yon, nalugi muna yon ng maraming beses, malay mo ako ganun din, kaya suporta lang anak. Napailing nalang ang Eric at humugot sa wallet ng 2500, "yan 'tay wala na, yan nalang natira ng sahod ko. mabilis na kinuwa ng ama ang pera.

Himiyaw ang kabo ng weteng "Sergio beinte uno/tres, oh tataya ka ba.?" Nalingon si Sergio kay Eric, anak e baka may barya ka pa dyan baka bwenas tayo ngayon!?" Wala namang imik at nag abot ng trenta pesos si Eric, tumungo na sya sa eskwelahan. 

Second Year College na si Eric, Masipag mag aral, at masipag din sa hanap buhay, may part time job sya pag gabi, sa isang fast food chain(bawal mag plug). Pag pasok nya sa silid ay tahimik lamang at nakalingon sa bintana. Pumasok si Dexter(hambog at mayaman na kaklase ni Eric), binatukan sya nito sabay sabi ng"sory tol". Hindi na lamang niya ito pinansin.



Dumating ang titser, habang nag tuturo ay may biglang nagbukas ng pinto ng silid, "good morning ma'am, sory im late!", siya si Alice ang babaeng walang pagod ang bibig kasasalita, seatmate sya ni Eric.



"Hi Eric ano na ba naituro ni ma'am" ang tanong ni Alice. Hindi sumagot si Eric. Habang nakikinig si Eric sa lecture ay dirediretso naman ang pag sasalita ni Alice," Alam mo ba na nagkita kami ng boyfriend ko kahapon, at niyaya nya ko sa park, Grabeeeehh, napuyat nga kami eh, kasi pumunta kami sa bahay nila, nag patulong gumawa ng peroject, sabay namin ginawa yung project pero naidlip lang sya nung huli, okay lang nakakaawa din naman kasi napupuyat sya, kaya kinumutan ko pa nga sya bago ako umuwi nung natapos ko na yung project eh." Hindi kumikibo si Eric. "huy, ano naman magsasabi mo, sumagot ka naman ang hirap magsalita ng walang kausap. Lumingon si Eric, "itikom mu kasi yang bibig mo ng 'di ka mahirapan." ang advice nya kay alice. "Ang sama mo naman, tuwing magkukuwento ako sayo, parang wala kang pakialam." Sumagot si Eric, "Eh wala naman talaga eh, pero wag ka ngang pakatanga dyan sa syota mo, ginagawa kang taga gawa ng project di bale sana kung nililibre ka nya sa date nyo eh, ikaw rin naman ang nag babayad, pati pang bayad nya sa pay toilet". 
Ang sama mo magsalita, minsan minsan lang naman kaya okay lang , tska ang mahalaga ako lang ang mahal nya at girlfriend nya." ang pagtatangol ni Alice. Hindi na kumibo si Eric upang hindi na humaba pa ang usapan.
Uwian na, habang naglalakad si Eric, sumabay sa kanya si Alice at walang tigil kakekwento tungkol ka boyfriend nya. Padaan sila Dexter, binatukan nanaman si Eric, at sabay sabing " ay, sory Eric". Hindi nanaman ito pinansin ni Eric, at hinayaan na lang. "Bakit ka pumapayag ng ginaganon ka ng mga masangsang na kalabaw na'yon" ang hiyaw sa kanya ni Alice. "Hoy mga mayayabang na kulay aspaltong kalabaw, huwag nga kayong mayayabang." ang hiyaw at pagtatanggol ni Alice. Nalingon si Dexter at ang barkada nya, sabay natawa, "hahahaha, nakahanap ng tagapag tanggol si eric bano". At ... hindi pa rin kumikibo si Eric, naka yuko pa rin sya. "Napakaduwag mo talaga bakit, wala ka man lang sinabi e ginagawa kang aso ng mga yon." Wika ni Alice. 
"Hayaan mo na lang sila, kung papatulan ko wala naman ako magagawa, pagtutulungtulungan lang nila ko." ang sabi ni Eric. "Abah, eh napakaduwag mo talaga noh, ewan ko ba sayo pumasok ka na nga lang sa trabaho mo, at pupuntahan ko na si BF ahihihihih" ang kinikilig na sabi ni Alice.

Pumasok sa trabaho si eric, at pagtapos ay umuwi na sya. 
Sa bahay, naku may umiihi sa pader nila, may natutulug sa mesa na puno ng basyo ng alak, at ang tatay nya.. nandudumilat ang mata sa kalasingan, oh anak andyan ka na pala eh. Lumingon lang at hindi sumagot si Eric. 

Pagpasok ni Eric, nakatulog na ang kapatid niyang bunso sa upuan sa paghihintay sa kanya "Ken, Ken.. lipat na kita sa kwarto , halika." 
"Kuya hindi pa ko kuamakain, nagugutom ako." 
Kumalabog ang pinto, sa malakas na pwersa ng pag bukas ni eric, "Tay, tay, hindi pa daw kumakain si Ken, ano ba naman yan tay, si ken nalang nga ang aalagaan nyo di nyo pa magawa, inuna nyo pa yang bisyo nyo kesa sa anak mo." ang galit na hiyaw ni Eric.
"Ikaw dimonyo ka, wag mo kong piangsasalitaan ng ganyan at anak lang kitang hinayupak ka, wag mong ipamuka sakin yang perang ibinibigay mo" ang bulyaw ng kanyang ama habang sakal sakal siya. lumakad ang ama at pinulot ang patay na panabong na manok, ihinampas kay Eric,"Ayan ,hayop ka iluto mo at ipakain mo sa mga kapatid mo." Tumulo ang luha ni Eric, habang pinulot ang patay na manok, iniluto nya ito ng masama ang loob.

Habang sinusubuan ni Eric si Ken, dumating ang kapatid nitong si Precious, Hinatid ng kanyang boyfriend, mukang nakainum din si precious, dumiretso si precious sa kanyang silid, at nagpaalam naman ang boyfriend nito "kuya Eric, Uwi na ko" ang paalam ng boyfriend na gumergewang din sa pagkalasing.
"huwag mo kong kinukuya at di mo ko kamaganak, bat mo hinayaang uminom si Precious, kabatabata pa ng kapatid ko." ang galit na hiyaw ni Eric.
"eh, gusto naman nyang kapatid mo eh," sabay talikod ng lalaki.

Natapos ang araw ng puro sama ng loob si ERic.


to be continued...

pls leave a comment if u want to read the continuation.. :)

No comments:

Post a Comment