Tuesday, September 3, 2013

NOBOUNDARIES

November 2010, simula na ng second Semester, Ako si John, maporma, mabarkada, pero hindi naman naiiwan pagdating
sa pag aaral. Simula pa lang ng skul, barkada na agad ang kasama ko, kaya nga siguuro walang nagtatagal na girlfriend sakin
, palagi kasi nila sinasabi, mas mahal ko pa daw mga barkada ko kaisa sa kanila.
Pero nung unang araw ng second sem nayun, ay kakaiba para saakin. Yoon yung araw na nakilala ko si Carmela
transferee sya, pero promise sa kanya lang ako napatagal ng titig habang naglalakad. Sakto, swerte ko talaga, umupo sya sa tabi ko
,wala akong kibo, nababato ako, napalunok nalang ako, at tanging nasabi ko lang ay "Hi". Pero nginitian lang nya ko, mukang masungit ah.
Pero nung mga nakaraang araw, dahil nga magkatabi, palagi kami ang partner sa activity. Kaya napalapit nadin kami sa isa't isa. Dumating yung araw na
nagkwento sya, sayang... my boyfriend na pala sya, one and a half year na daw sila. Kaya lang hindi lumipat ng skul kaya madalang sila nagkiita.

Dahil nga gustong gusto ko sya, kinaibigan ko nlang sya, akalain nyo yun, ang dating chicboy, ngayun under "friendzone". Pero kahit na, parang hindi ko na
hindi sya nakikita. Habang tumatagal, nakikilala ko na sya, maingay si Carmela, palagi nya ko pinagtitripan, madalas nyang itinatago ung bag ko sa kisame ng room namin.
madalas kami magkasabay umuwi, pero mas pinipili ko na maglakad kami kaysa magcomute, para naman matagal ko sya makakwentuhan. Habang naglalakad kami, madalas nakaakbay sya,
at sa tuwing masaya sya at tumtawa ng malakas, kinakabog nya k. Hindi ko alam dun kung bakit , tuwing tatawa may kasamang hampas. Minsan nga pag sobang saya namin dalawa,
 napapatigil ako sa pag sasalita at pagtawa, napapatinginlang ako sa mga muka nya.

December na nun, kasama ko sya sa mall, nagpasama kasi sya na ibili ng Christmas gift si Angelo, ung boyfriend nya, inaya ko sya manuod ng sine, pumayag naman sya, kahit na , sa kanya walang malisya yun, pero sakin meron. Pumila ako para bumili ng ticket, nagpaalam sya na mag rerestroom lang. Naupo muna ko at hinintay ko sya, nang Makita ko si Carmela, umiiyak sya , palapit sya saakin. Napatayo ako at tinanong ko kung ano ang problema. Hindi kami natuloy sa panunuod. Ikinwento nya sakin ang nakita nya, may kahalikang iba ang damohong boyfriend nya, umiiyak sya non, hindi ko alam kung paano ko sya ikocomfort noong oras naiyon. Hanggang makauwi kami sa bahay, umiiyak pa rin sya. Galit nag alit ako sa kay Angelo, gusto ko syang gulpihin. Noong gabi din naiyon, pagkahatid k okay Carmela, tinawagan ko ang tropa ko, ginulpi nila si Angelo, at binantaan.

Ilang araw na nakalipas, hindi pa rin tumatawag si Carmela, kaya minabuti kong bisitahin na siya sa kanyang tinitirang apartment. Malungkot sya, pero pilit ko sya pinapasaya. Nasaakin pa rin yung ticket na binili ko. Naisipan ko na ayain ulit siya sa mall, pinilit ko sya kahit ayaw nya. Buong araw kami magkasama, sa wakas. Napatawa ko na ulit si Carmela. Masaya na sya hangang sa umuwi kami noong gabi. Pero ramdam ko din na, masakit pa din sa kanya ang nangyari sa kanila ni Angelo.

December 24, 2010. Dispiras ng pasko ng surpresahin ko si Angela, dinala ko sya sa lugar kung saan kami lang dalawa, mag susunset na yon, naupo kami sa ilalim ng puno ng narra. Habang nakasandig sya sa balikat ko. Inabot ko sa kanya ang christmass gift ko, isang necklace, kung saan nakalagay ang picture naming dalawa. Natawa sya. Bakit daw puso, e magkaibigan lang kami. At doon ko na inamin ang lahat sa kanya, na matagal ko na syang mahal , mula pa ng umpisa. Kinabog nanaman nya ko, at tumawa ng malakas, sabi nya malakas daw ang trip ko nun, pero, hindi na ko pwedeng magbiro sa mga pangahong yon, habang tumatawa sya, isinuot ko ang kwintas, sa leeg nya at, natahimik sya. Natingin sya sa akin. Tinitigan ko ang mga mata nya, at hinalikan ko sya, ngunit inilayo nya ang ulo nya, tumayo at lumakad patalikod sa akin. Sinampal nya ko at umiyak sya, binalibag nya ang bag nya saakin. Sabi nya, bakit ko, ano ang problema mo John. Ang tangi ko lang nabanggit sa kanya ay, “Mahal kita Carmela”. Natahimik sya.Niyakap ko sya, binulong ko sa kanya na, “kaya kong maghintay kahit gaano katagal, para matanggap mo pag mamahal ko sayo, at hanggang sa makamoveon ka, Mahal kita Carmela, noon pa”. Umuwi kami ng magkasabay, ngunit parehas kaming walang kibo, halatang naiilang sya. Nang nasa gate n  kami ng apartment, binanggit niya”hindi ko alam ang magiging reactionko, John gusto kita, alam ko mahirap aminin , pero gusto din kita, pinigilan ko yun dahil may boyfriend ako, at dahil alam kong masisira ang pagkakaibigan natin, pero John give me a time to think about it, goodnight, ang merrychristmass.” Ito na yata ang pinakatahimik na pasko ko, hindi sya mawala sa isip ko.

December 31, 2010, tahimik ako, nang biglang tumawag si Carmela. Sunduin ko daw sya sa apartment nya. Dalidali ako pumunta. Sa amin sya nag newyear, wala syang binabanggit saakin, ungkol sa nangyari sa ilalim ng narra. 3am nan g matapos kami magkwentuhan kasama ng pamilya ko. Hinatid ko na sya, at habang nag lalakad kami, nagsalita siya, “Happynewyear ulit”, at may inabot siyang regalo saakin, isang singsing, napatigil ako sa pag lalakad, isinuot nya ang singsing, at hinalikan nya ako. Nagtagal ang aming halikan. Ngunit tinanong ko sya, kung ao ang ibig sabihin ng halik nayon. Mahal daw ako ni Carmela, napakasayang newyear yun, daig ko pa ang naghanda ng labindalawang prutas at nagsuot ng polcadots, sa sobreng swerte ko.

Tumagal ang relasyon namin, hanggang nag valentines, summer vacation, balik eskwela ulit. Last year nanamin sa college. Masaya ako at kasama ko pa rin sya. Masaya kaming dalawa, madalas naming tambayan ang ilalim ng puno ng narra. Palagi ko sya pinapasan pag papaakyan na kami sa bundok, mataas kasi ang kinatatayuan ng puno ng narra, pero kahit na hirap na ko tinitiis ko. Pag dating naming sa taas, uupo kami at paiinumin nya ko ng baon nyang tubig. Madalas syang nakadantay sa balikat ko tuwing magkkwento sya.

October 15, 2011, gabi na noon, galling kami sa eskwelahan. May kailangan akong tapusing project kaya, ayun sabi nya, wag ko na daw sya ihatid, panatag naman ako, at umuwi na.

11:25 ng gabi, Habang abala ako sa pag gawa ng reaserch paper naming. Nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Carmela marami na palang missed call ngunit hindi ko napansin. Sinagot ko, umiiyak sya. Dalidali akong tumakbo patungo sa kanyang apartment. Magulo ang kwarto, basag ang vase, at may tapis na kumot si Carmela. Lumapit ako at niyakap ko sya, Ano ang nangyari, sabi ko. Ang tanging lumabas lang sa kanyang bibig ay “si Angelo, si Angelo”.
Naiyak sya, magdamag ko syang yakap at hindi nya binibitawan ang mga braso ko. Nang umaga ding iyon, pinilit kong pakalmahin si Carmela. Iyak sya ng iyak. Galit ang nararamdaman k okay Angelo, at nsa isip ko na patayin nalamang sya. Ikinuwento ni Carmela “kumatok sya, ng una binuksan ko, napansin ko na mukang langu sya sa droga, natakot ako John, tinawagan na kita ngunit hndi mo sinasagot, kumatok ulit siya, sabi nya hihingi sya ng tawad sa ginawa nya saakin, sabi nya hihintayin nya ko lumbas kahit anong mangyari, akala ko totoo John, pinwersa nya ko ng binuksan ko ang pinto, hinalay nya ko John, malakas sya , wala akong nagawa, John Im sorry…… Im sorry…Im sorry..”. Napatulo ang luha ko dahil naawa ako sa kalagayan ni Carmela.

Hindi ko sya iniwan, mas lalo ko syang minahal at inalagaan, araw araw na kong nasa tabi nya, at hndi ako lumilingap. Kahit nab akas pa rink ay Carmela ang mga nangyari, pinilit nyang bumalik sa normal para saakin. Mahal ko sya, hindi ko sya kayang iwan, mahal na mahal…
Napapansin ko habang dumadaan ang mga araw .. bumababa ang immune system ni Carmela, madlas sya, nasusuka, nahihilo, at nagkakasakit ng kung ano ano.

November 30, 2011, nadiagnose na may AIDS si Carmela, nakuwa nya sa pang hahalay ni Angelo. Dumaan ang mga buwan mas lalong humihina si Carmela, hangang sa naconfine na sya sa ospital.

April 15, 2012, bumili ako ng gamot. Kausap ni Carmela ang doctor, hindi nya naramdaman na nakikinig ako. Sabi ng doctor 5 days nalang daw ang buhay ni Carmela,. Napatulo ang luha ko ngunit pinigil kong umiyak. Tumuloy ako sa pakikinig ng usapan nila. “Doc, please wag nyong sasabihin kay John kung hangang san nalang ako, ayokong maging malungkot pa sya sa mga natitirang araw ko ditto sa mundo, gusto ko maging masaya sya hangang  sa huling hininga ko, Doc, please. Mahal ko siya”.
Sinunod ko ang narinig k okay Carmela, hindi ako nagparamdam ng kahit na anong lungkot sa mga lumilipas pang araw. Natutulog ako sa tagiliran nia hawak magdamag ang kamay nya.. pag gising lilinisan at pakakainin ko sya.. nanunuod kami ng movie, at nag kwentuhan.. Sa tuwing nakikita ko na may narramdaman syang sakit, lumalabas ako, pinipigilan kong maiyak sa harapan nya.

April 19, 2012, Umaga noon ng nirequest ni Carmela na lumabas na sa ospital .. ayaw ko pumayag ngunit pinag pilitan nia .,. Inaya nya ako sa taas ng bundok sa ilalim ng puno ng narra, kung saan palagi kami nagppunta. Pinasan ko sya, habang yakap nia ako ng mahigpit, nagkkwento pa dn sya, sabi niya napakaswerte nya dahil nagkaroon sya ng John. Sabi ko naman , syempre… ako pa, e gwapo na, mahal na mahal ka pa, kaya wag mo ko pakakawalan.! Natawa siya at , tinapik ang dibdib ko ..

Sunset…., namiss ko to matagal din kami hndi napunta ditto.. naka sandig ang ulo nia sa balikat ko, tahimik kaming nanunuod sa pag lubog ng araw,  bigla sya nagsalita ng “John, masaya ako dahil naging kaibigan kita ng napakatagal, masaya ko na nakilala ko ang buong pagkatao mo, mahal kita, gusto ko maging masaya ka, gusto ko umiyak ka pag nawala ako, gusto ko akolang ang isipin mo at ubusin mo ang luha mo, pero gusto ko din na pagtapos ng isang buwan na pag iyak mo.. ngingiti ka na, mag aaral ng mabuti, makikipag barkada, magsisimba, at pag tumagal tagal pa , mag mahal ka ulit.. gusto ko gawin mo lahat to kasi diba mahal mo ko? John mangako ka john”
Itinaas ni Carmela ang kamay ko , at pinasambit sakin na..”mahal kita Carmela, at gagawin ko kung ano man ang ikaliligaya mo!”. Hinalikan ko sya, tumulo ang luha nya, napaiyak ako. Hndi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Hinintay naming matapos ang sunset, … hawak naming ang kamay ng isat isa.. ng maramdaman kong bumitiw na sya……. Wala na si Carmela, pero nangako sya na ako lang ang mahal nya. Hindi ko na ulit sya maipapasan at wala na akong iindahin sakit ng katawan dahil sa pag kabog nya habang malakas na tumtawa.. Mahal ko si Carmela.. at siaya lang ang laman nitong puso ko. Habang buhay. At wlang magiging hangganan an gaming pag mamahalan.!!!!!




                                                       __END__

Sunday, July 21, 2013

Boundary(Episode 2)

EPISODE 2 of 4


Araw ng Sabado, walang pasok habang nakabangon na ang lahat, si Eric naman ay nasa kanya pang higaan, iniisip ang nangyari noong isang gabi. Biglang tumunog ang kanyan cellphone, tumawag si Alice, "Hoy Eric, samahan mo ko sa mall, wala akong kasama eh",
"Busy ako" ang sagot ni Eric.
Narinig ni Eric na may kausap ang kanyang ama sa labas ng kanilang bahay, "nasa kwarto nya, andun pasukin mo nalang." ang wika ng kanyang ama. Namulat ang mata ni Eric, at biglang bumangon upang magdamit. Nang bumukas ang pinto ay si Alice pala, "anong busy, ang pinagsasabi mo eh, natutulog ka lang pala."
"Eh bakit ba kasi, ayokong sumama, gagawin mo lang akong taga buhat." ang tanggi ni Eric. "Please Eric, please" ang pakiusap ni Alice at biglang lumuhod sa harap ni eric na naka boxer lang. "Tumayo ka nga," ang hiyaw ni Eric. "Osige, gagayak ako maghintay ka sa labas, abala ka talaga kahit kelan." ang dugtong pa nya.

Nang makarating sila sa mall, Nag aya kagad sa department store si Alice, "Aba, hindi mu muna talaga 'ko pakakainin, nagugutom ako hindi ako nag almusal." ang reklamo ni Eric.
"Ocgee, san mo ba gusto kumain,"ang tanong ni Alice. Kumain sila at ng matapos ay namili na si Alice. 
Inip na inip si Eric, habang abot naman ang sukat ng damit si Alice, Nagtingin tingin si Eric sa mga damit, at may nakita sya na kanyang nagustuhan, ngunit ng makita nya ang halaga ng damit ay binitawan nya ito. Nakita sya ni Alice, "wow, ang ganda nyan ah, isukat mo ", ang wika ni alice. 
"Ayoko, kamahal, wala akong pambayad" ang tanggi ni Eric. 
"E di, ako magbabayad, sige na sukat mo na" ang ingganyo naman ni Alice. 
"Wag na, wag na" ang tangggi ni Eric at biglang umalis sa stall.

Hapon na noon ng matapos sila, umiika na si eric kalalakad. Habang naglalakad, "Sandali lang, Hoy huminto ka muna Alice."
"Bakit Eric, ang hina mo naman, sandali lang tayo naglakad eh."
"Tignan mo ton, boyfriend mo yon diba ? tignan mo may kalampungan oh. " ang wika ni Eric. 
Nang matanaw ito ni Alice, ay sumagsag papunta sa kanyang boyfriend, ng makita siya ng kanyang boyfriend ay natahimik ito. 
"hayop ka, malandi kang hayup ka, timer ka hayop ka" ang sigaw ni Alice na galit na galit habang hinahampas ang mga shopping bag sa kanyang boyfriend. 
Inawat siya ni Eric, "tama na Alice" ang kanyang wika.
Iyak ng iyak si Alice, nakasalampak sa gilid ng hallway.
"Tama na yan oh, nakakahiya ang daming nakatingin, muka kang tanga" ang sabi ni Eric. Hinila nya si Alice sa isang upuan. 

"Wag ka ng umiyak, hayaan mo na un, kapangit pangit eh." ang pagpapatahan na wika ni Eric.
"Niloko ako ng hampas lupang yon, yung tarantadong unggoy na 'yon" ang malakas na salita ni Alice. Nag tinginan ang lahat sa kanila. 
Nahihiya na si Eric, "Alice, Tara nuod tayong sine para gumaan ang pakiramdam mo". 
Nanuod sila ng comedy, Habang nasa loob at nanunuod, tawa ng tawa si Eric. Tahimik lamang si Alice.
"Huy, Alice ..tumawa ka naman, sayang yung entrance natin" ang wika ni Eric.
Bigla na lamang humagulgol ng iyak si Alice sa loob ng sinehan, natigil sa pagtawa ang mga nasa nanunuod, nakatingin sa kanilang lahat. "Buwisit na haliparot na lalaking yon, niloko ako ng hayop na yon, bakit Eric?, Pangit ba ko, hindi ba ko masayang kasama, bakit naghanap siya ng iba.?" ang iyak ni Alcie.
Namula sa kahihiyan si Eric, bigla nalamang niyang inakap si Alice, at isinubsob ang ulo nito sa kanyang dibdib upang hindi na marinig ng iba ang iyak nya. "Alice, nakakahiya, kadaming tao, tumahimik ka nga, pasalamat ka nga nalaman mo kagad, eh di kung hindi mo  siya nakita ngayon, igagawa mo nanaman sya ng assignment sa monday, tapos ipag gagayak mo sya ng baon, tapos bibili mo ng gamit, eh ngayon nalaman mo , hindi mo na kailangan gawin lahat ng yon.."  
humahagulgol pa rin si Alice, hanggang matapos si ang palabas.
Nang naglalakad sila pauwi sa kanilang bahay, malungkot pa rin si Alice. "wag ka na malungkot, gusto mo ba uminom, treat ko" ang aya ni Eric kay Alice.

Uminom sila, at mas malakas pang uminom si Alice kaysa kay Eric, napansin ni Eric na napaka tahimik ni Alice at naninibago siya. 
"Wag mo nalang siyang isipin, madami pa dyan, madami ka pang pwedeng maging boyfriend, wag mo na sya isipin."
Napatingin si Alice kay Eric, at dumukdok ito sa kanyang balikat. Hindi ito umiiyak, ngunit halatang napakalungkot ni Alice.
Tahimik na lamang si Eric. kinonfort na lamang nya si Alice, Buong gabi sila sa labas ng kanilang bahay, gising ngunit hindi nagsasalita ang dalawa. 

Nang makita ni Eric ang oras na alas-dose na pala, inaya na niyang umuwi si Alice. "Tara, hatid na kita sainyo, pahinga ka na bukas wala na yan." ang aya ni Eric. 
"Ipasan mo ko, nahihilo ko" ang sabi ni Alice.
"Ikaw talagang babae ka pabigat ka, 'lika pumasan ka na".
Nangiti si Alice, at pumasan kay Eric.
Nagkekwento si Eric habang naglalakad, "nag away kami ni tatay nung isang araw, kelan kaya sya babalik sa dati? mula ng mamatay si nanay ganun na lang sya, di na nya kami naasikaso, kung hindi sugal, alak naman ang kaharap nya. " ang kwento ni Eric.
Hindi sumasagot si Alice dahil tulog na pala sya.
Nailing na lamang si Eric.
Nag makarating sa  bahay, Nagpasalamat si Alcie, "Eric salamat hah, Oh eto" may inaabot si Alice na isang bag,
"Ano ba'yan " ang tanong niya
"yung damit na nakita mo kanina, binili ko para sayo."
"Naku, para sakin ba talaga yan, baka naman sa boyfriend mo yan"
"FYI, ex-, hindi ko na sya boyfriend, para sayo to talaga, thank you gift ko kasi pinagtyagaan mo ko maghapon." ang sabi ni Alice
NIyakap niya si Eric, at pumasok na sa loob ng bahay.

May hang over ang magkaibigan, 
Nang magising si Eric, nag text kaagad siya kay Alice.
"Okay ka na? pag naiinip ka sabihin mo, kwentuhan nalang tayo hah, wag ka mag susuicide, hehe " ang txt ni Eric kay Alice.
"Good moring Eric, ano ka ba, hndi ako mag susuicide, nakakawala ng poise ang magbigti hano, hndi bagay sakin may lubid sa leeg, iwww." ang reply ni Alice.
Natawa naman si Eric.

Lunes ng umaga, Humiyaw si Maryo [ang kaibigan ni Sergio(tatay ni Eric)] "Sergio, nakahanap ako ng trabaho, halika kulang pa ng isang mason dun sa pinapagawang gusali sa kabilang barangay, ng kumita ka naman ng pera " ang anyaya ni Maryo.
"Pare, naku e masakit nga ang likod ko, hindi ko nga alam kung bakit" ang daing pa ni Sergio.
"Pare, igalaw galaw mo kase, nagdidikit dikit na mga buto mo sa katawan, ng mahasa naman yang buto mo" 
" Naku pare sa susunod nalang talaga" ang mahigpit na pag tanggi ni Sergio.
"sige ikaw ang bahala, mauna na ko pare," ang paalam ni Maryo.

Paglabas ng bahay ni Eric, ay dirediretso sya, hindi pinansin ang kanyang ama,
 "Anak.. Eri.." ang utal na pag tawag ni Maryo sa kanyang anak.
Hindi siya nilingon ni Eric. Dumaan pa ang ilang mga araw ay hindi talga kinikibo ni Eric ang kanyang ama. Nang isang pagkakataon ay, nilapitan sya ng kanyang ama.

"Eric, pasensya ka na nung isang araw mukang nasaktan kita."
Umalis si Eric, palayo sa kanyang ama,
"Eric, pasensya ka na anak"
" 'tay yang pasensya mo, walang silbe yan, maging ama ka, wag ka mag paka bata na parang natisod mo lang ako." ang sabi ni Eric. 
"maging ama ka samin tay', hindi palagi mo nalang dahilan na para makalimut ka sa pagkamatay ni nanay." ang dugtong pa niya at umalis.
Tahimik ang kanyang ama, at naupo na lamang, napaisip. 

Kinaumagahan ay, maagang umalis si Eric patungo sa paaralan.
Nakaupo si Mang Sergio sa kanilang bakuran, humiyaw nanaman si Maryo, "Ano pareng sergio, masakit pa rin ba ang likod mo, halika't sumama ka sakin ng may pang inom tayo mamaya." ang yayang muli ni Maryo.
Sumama si Sergio, binilinan si Precious na alagaan muna ang batang kapatid na si Janjan. "Tay' san ka ba pupunta, eh may lakad kami ng barkada ko eh, birthdayan yun tay."

"Huwag ka na muna sumama, baka hapon na ko makauwi magtatrabaho ako." ang mahigpit na bilin ng ama.
Hindi naniwala si Precious na magtatrabaho ang ama.
Nang katanghaliaan, habang nag lalaro si Janjan, dumating ang mga kaibigan ni Precious,.
"lika na, bilis" ang yaya ng mga kaibigan niya.
"Eh, magbabantay ako ng kapatid ko, di na ko sasama" wika ni Precious
"Ibilin mo muna sun sa isa mong pinsan"ang payo ng mga kaibigan
Napaisip si Precious, gumayak at ibinilin ang kanyang kapatid sa pinsan niya na naglalaro ng bingo.
Umalis sya, binigyan ng sampung piso ang batang kapatid.

Habang walang tao sa bahay nila Eric, abala naman sa pagtantos ng numero ang pinsan ni Precious, Naglalaro naman si Janjan.
Nakarinig siya ng kuleleng ng Icecream, napatakbo ang bata sa kalsada, na hindi pansin na may sasakyan palang padating. Nasagasaan ang bata. Sakto naman na pag baba ng tricycle ni Eric, nangmakita niya ang kapatid ay tinakbo niya kagad ito.
Tinulungan siya ng nakabangga sa bata. 

Kabang kaba si Eric, at hindi mapakali.
Dumating ang ama niya may bitbit na supot,
"Anak, Eric, ano nangyaqre kay Janjan. "ang sagsag ni Sergio.
"Ano, nangyare nanjan,l nalumpo si Janjan, nsagasaan dahil sa kapabayaan mo tay".
"Napaka walang silbi mo talaga, wala kang silbing ama,"
Hindi na nakapag paliwanag si Sergio, tinanggap na lamang ang salita ng anak,
Nilapag niya ang supot na mag lamang litsong manok na binili nya galing sa una nyang sweldo sa pagtatrabaho.


TO BE CONTINUED.........

Friday, July 19, 2013

boundary (episode 1)

EPISODE 1 of 4


Umaga na naman, si Sergio hawak ang kanyang panabong na manok at mukang ikinukundisyon. Sa pagtilaok ng manok, nagising na si Eric, napipikit pa dahil sa puyat kagabi sa pagtatrabaho ngunit bumangon at nagtimpla na rin ng kape. Habang nag iinat ng katawan, binati nya si Precious, "Aba naman gising ka na, mukang puyat ka pa yata, wag ka muna pumasok sa eskwelahan, matulog ka ulit at mamayang gabi ay romonda nanaman kayo ng barkada mo" ang tuya ni Eric sa dalagang kapatid. Napatingin si Precious habang sinusuklay ang buhok,"Siryoso ka ba kuya?". "Hindi, lumabas ka dyan sa kwarto at magluto ka ng umagahan nyo ni bunso. Sa takot na hindi bigyan ng baon ay, nagluto na si Precious. Samantala, ng makagayak na si Eric tutungo na sa eskwelahan, humiyaw si mang Sergio,"aba anak papasok ka na, pahiram nga ng 3000 mo, eh lumapit sakin si pareng Mario gustong magsosyo kami sa pag bili ng isda sa Pangasinan, at ibebenta namin dito sa bayan, mukang magandang pagkakitaan yun anak. "Tay, sigurado ba yan, e si mang Maryo din ang nag aya sa inyo na mamakyaw ng gulay sa tumana at ibenta sa bayan ah, e wala namang nagyare sabi nyo nabulok ung gulay hindi nabili, tapos nung isang buwan lang humingi nanaman kayo, sabi n'yo sosyo kayo ni mang Maryo na manghuhuli ng baboy at kakatayin, hati kayo sa kikitain, E nakawala kamo ung baboy at hindi nyo na nakita, ngayon naman isda? Baka naman 'tay makawala din ung isda at makabalik sa dagat, nasasayang lang ang pera." NAyuko si Sergio at lumapit sa anak, "anak pasensya ka na talaga mukang malas lang ang tatay, pero pano tayo kikita kung si susubukan, alam mo ba na si Bill Gates bago yumaman 'yon, nalugi muna yon ng maraming beses, malay mo ako ganun din, kaya suporta lang anak. Napailing nalang ang Eric at humugot sa wallet ng 2500, "yan 'tay wala na, yan nalang natira ng sahod ko. mabilis na kinuwa ng ama ang pera.

Himiyaw ang kabo ng weteng "Sergio beinte uno/tres, oh tataya ka ba.?" Nalingon si Sergio kay Eric, anak e baka may barya ka pa dyan baka bwenas tayo ngayon!?" Wala namang imik at nag abot ng trenta pesos si Eric, tumungo na sya sa eskwelahan. 

Second Year College na si Eric, Masipag mag aral, at masipag din sa hanap buhay, may part time job sya pag gabi, sa isang fast food chain(bawal mag plug). Pag pasok nya sa silid ay tahimik lamang at nakalingon sa bintana. Pumasok si Dexter(hambog at mayaman na kaklase ni Eric), binatukan sya nito sabay sabi ng"sory tol". Hindi na lamang niya ito pinansin.



Dumating ang titser, habang nag tuturo ay may biglang nagbukas ng pinto ng silid, "good morning ma'am, sory im late!", siya si Alice ang babaeng walang pagod ang bibig kasasalita, seatmate sya ni Eric.



"Hi Eric ano na ba naituro ni ma'am" ang tanong ni Alice. Hindi sumagot si Eric. Habang nakikinig si Eric sa lecture ay dirediretso naman ang pag sasalita ni Alice," Alam mo ba na nagkita kami ng boyfriend ko kahapon, at niyaya nya ko sa park, Grabeeeehh, napuyat nga kami eh, kasi pumunta kami sa bahay nila, nag patulong gumawa ng peroject, sabay namin ginawa yung project pero naidlip lang sya nung huli, okay lang nakakaawa din naman kasi napupuyat sya, kaya kinumutan ko pa nga sya bago ako umuwi nung natapos ko na yung project eh." Hindi kumikibo si Eric. "huy, ano naman magsasabi mo, sumagot ka naman ang hirap magsalita ng walang kausap. Lumingon si Eric, "itikom mu kasi yang bibig mo ng 'di ka mahirapan." ang advice nya kay alice. "Ang sama mo naman, tuwing magkukuwento ako sayo, parang wala kang pakialam." Sumagot si Eric, "Eh wala naman talaga eh, pero wag ka ngang pakatanga dyan sa syota mo, ginagawa kang taga gawa ng project di bale sana kung nililibre ka nya sa date nyo eh, ikaw rin naman ang nag babayad, pati pang bayad nya sa pay toilet". 
Ang sama mo magsalita, minsan minsan lang naman kaya okay lang , tska ang mahalaga ako lang ang mahal nya at girlfriend nya." ang pagtatangol ni Alice. Hindi na kumibo si Eric upang hindi na humaba pa ang usapan.
Uwian na, habang naglalakad si Eric, sumabay sa kanya si Alice at walang tigil kakekwento tungkol ka boyfriend nya. Padaan sila Dexter, binatukan nanaman si Eric, at sabay sabing " ay, sory Eric". Hindi nanaman ito pinansin ni Eric, at hinayaan na lang. "Bakit ka pumapayag ng ginaganon ka ng mga masangsang na kalabaw na'yon" ang hiyaw sa kanya ni Alice. "Hoy mga mayayabang na kulay aspaltong kalabaw, huwag nga kayong mayayabang." ang hiyaw at pagtatanggol ni Alice. Nalingon si Dexter at ang barkada nya, sabay natawa, "hahahaha, nakahanap ng tagapag tanggol si eric bano". At ... hindi pa rin kumikibo si Eric, naka yuko pa rin sya. "Napakaduwag mo talaga bakit, wala ka man lang sinabi e ginagawa kang aso ng mga yon." Wika ni Alice. 
"Hayaan mo na lang sila, kung papatulan ko wala naman ako magagawa, pagtutulungtulungan lang nila ko." ang sabi ni Eric. "Abah, eh napakaduwag mo talaga noh, ewan ko ba sayo pumasok ka na nga lang sa trabaho mo, at pupuntahan ko na si BF ahihihihih" ang kinikilig na sabi ni Alice.

Pumasok sa trabaho si eric, at pagtapos ay umuwi na sya. 
Sa bahay, naku may umiihi sa pader nila, may natutulug sa mesa na puno ng basyo ng alak, at ang tatay nya.. nandudumilat ang mata sa kalasingan, oh anak andyan ka na pala eh. Lumingon lang at hindi sumagot si Eric. 

Pagpasok ni Eric, nakatulog na ang kapatid niyang bunso sa upuan sa paghihintay sa kanya "Ken, Ken.. lipat na kita sa kwarto , halika." 
"Kuya hindi pa ko kuamakain, nagugutom ako." 
Kumalabog ang pinto, sa malakas na pwersa ng pag bukas ni eric, "Tay, tay, hindi pa daw kumakain si Ken, ano ba naman yan tay, si ken nalang nga ang aalagaan nyo di nyo pa magawa, inuna nyo pa yang bisyo nyo kesa sa anak mo." ang galit na hiyaw ni Eric.
"Ikaw dimonyo ka, wag mo kong piangsasalitaan ng ganyan at anak lang kitang hinayupak ka, wag mong ipamuka sakin yang perang ibinibigay mo" ang bulyaw ng kanyang ama habang sakal sakal siya. lumakad ang ama at pinulot ang patay na panabong na manok, ihinampas kay Eric,"Ayan ,hayop ka iluto mo at ipakain mo sa mga kapatid mo." Tumulo ang luha ni Eric, habang pinulot ang patay na manok, iniluto nya ito ng masama ang loob.

Habang sinusubuan ni Eric si Ken, dumating ang kapatid nitong si Precious, Hinatid ng kanyang boyfriend, mukang nakainum din si precious, dumiretso si precious sa kanyang silid, at nagpaalam naman ang boyfriend nito "kuya Eric, Uwi na ko" ang paalam ng boyfriend na gumergewang din sa pagkalasing.
"huwag mo kong kinukuya at di mo ko kamaganak, bat mo hinayaang uminom si Precious, kabatabata pa ng kapatid ko." ang galit na hiyaw ni Eric.
"eh, gusto naman nyang kapatid mo eh," sabay talikod ng lalaki.

Natapos ang araw ng puro sama ng loob si ERic.


to be continued...

pls leave a comment if u want to read the continuation.. :)

stories

Mga storya!