Tuesday, September 3, 2013

NOBOUNDARIES

November 2010, simula na ng second Semester, Ako si John, maporma, mabarkada, pero hindi naman naiiwan pagdating
sa pag aaral. Simula pa lang ng skul, barkada na agad ang kasama ko, kaya nga siguuro walang nagtatagal na girlfriend sakin
, palagi kasi nila sinasabi, mas mahal ko pa daw mga barkada ko kaisa sa kanila.
Pero nung unang araw ng second sem nayun, ay kakaiba para saakin. Yoon yung araw na nakilala ko si Carmela
transferee sya, pero promise sa kanya lang ako napatagal ng titig habang naglalakad. Sakto, swerte ko talaga, umupo sya sa tabi ko
,wala akong kibo, nababato ako, napalunok nalang ako, at tanging nasabi ko lang ay "Hi". Pero nginitian lang nya ko, mukang masungit ah.
Pero nung mga nakaraang araw, dahil nga magkatabi, palagi kami ang partner sa activity. Kaya napalapit nadin kami sa isa't isa. Dumating yung araw na
nagkwento sya, sayang... my boyfriend na pala sya, one and a half year na daw sila. Kaya lang hindi lumipat ng skul kaya madalang sila nagkiita.

Dahil nga gustong gusto ko sya, kinaibigan ko nlang sya, akalain nyo yun, ang dating chicboy, ngayun under "friendzone". Pero kahit na, parang hindi ko na
hindi sya nakikita. Habang tumatagal, nakikilala ko na sya, maingay si Carmela, palagi nya ko pinagtitripan, madalas nyang itinatago ung bag ko sa kisame ng room namin.
madalas kami magkasabay umuwi, pero mas pinipili ko na maglakad kami kaysa magcomute, para naman matagal ko sya makakwentuhan. Habang naglalakad kami, madalas nakaakbay sya,
at sa tuwing masaya sya at tumtawa ng malakas, kinakabog nya k. Hindi ko alam dun kung bakit , tuwing tatawa may kasamang hampas. Minsan nga pag sobang saya namin dalawa,
 napapatigil ako sa pag sasalita at pagtawa, napapatinginlang ako sa mga muka nya.

December na nun, kasama ko sya sa mall, nagpasama kasi sya na ibili ng Christmas gift si Angelo, ung boyfriend nya, inaya ko sya manuod ng sine, pumayag naman sya, kahit na , sa kanya walang malisya yun, pero sakin meron. Pumila ako para bumili ng ticket, nagpaalam sya na mag rerestroom lang. Naupo muna ko at hinintay ko sya, nang Makita ko si Carmela, umiiyak sya , palapit sya saakin. Napatayo ako at tinanong ko kung ano ang problema. Hindi kami natuloy sa panunuod. Ikinwento nya sakin ang nakita nya, may kahalikang iba ang damohong boyfriend nya, umiiyak sya non, hindi ko alam kung paano ko sya ikocomfort noong oras naiyon. Hanggang makauwi kami sa bahay, umiiyak pa rin sya. Galit nag alit ako sa kay Angelo, gusto ko syang gulpihin. Noong gabi din naiyon, pagkahatid k okay Carmela, tinawagan ko ang tropa ko, ginulpi nila si Angelo, at binantaan.

Ilang araw na nakalipas, hindi pa rin tumatawag si Carmela, kaya minabuti kong bisitahin na siya sa kanyang tinitirang apartment. Malungkot sya, pero pilit ko sya pinapasaya. Nasaakin pa rin yung ticket na binili ko. Naisipan ko na ayain ulit siya sa mall, pinilit ko sya kahit ayaw nya. Buong araw kami magkasama, sa wakas. Napatawa ko na ulit si Carmela. Masaya na sya hangang sa umuwi kami noong gabi. Pero ramdam ko din na, masakit pa din sa kanya ang nangyari sa kanila ni Angelo.

December 24, 2010. Dispiras ng pasko ng surpresahin ko si Angela, dinala ko sya sa lugar kung saan kami lang dalawa, mag susunset na yon, naupo kami sa ilalim ng puno ng narra. Habang nakasandig sya sa balikat ko. Inabot ko sa kanya ang christmass gift ko, isang necklace, kung saan nakalagay ang picture naming dalawa. Natawa sya. Bakit daw puso, e magkaibigan lang kami. At doon ko na inamin ang lahat sa kanya, na matagal ko na syang mahal , mula pa ng umpisa. Kinabog nanaman nya ko, at tumawa ng malakas, sabi nya malakas daw ang trip ko nun, pero, hindi na ko pwedeng magbiro sa mga pangahong yon, habang tumatawa sya, isinuot ko ang kwintas, sa leeg nya at, natahimik sya. Natingin sya sa akin. Tinitigan ko ang mga mata nya, at hinalikan ko sya, ngunit inilayo nya ang ulo nya, tumayo at lumakad patalikod sa akin. Sinampal nya ko at umiyak sya, binalibag nya ang bag nya saakin. Sabi nya, bakit ko, ano ang problema mo John. Ang tangi ko lang nabanggit sa kanya ay, “Mahal kita Carmela”. Natahimik sya.Niyakap ko sya, binulong ko sa kanya na, “kaya kong maghintay kahit gaano katagal, para matanggap mo pag mamahal ko sayo, at hanggang sa makamoveon ka, Mahal kita Carmela, noon pa”. Umuwi kami ng magkasabay, ngunit parehas kaming walang kibo, halatang naiilang sya. Nang nasa gate n  kami ng apartment, binanggit niya”hindi ko alam ang magiging reactionko, John gusto kita, alam ko mahirap aminin , pero gusto din kita, pinigilan ko yun dahil may boyfriend ako, at dahil alam kong masisira ang pagkakaibigan natin, pero John give me a time to think about it, goodnight, ang merrychristmass.” Ito na yata ang pinakatahimik na pasko ko, hindi sya mawala sa isip ko.

December 31, 2010, tahimik ako, nang biglang tumawag si Carmela. Sunduin ko daw sya sa apartment nya. Dalidali ako pumunta. Sa amin sya nag newyear, wala syang binabanggit saakin, ungkol sa nangyari sa ilalim ng narra. 3am nan g matapos kami magkwentuhan kasama ng pamilya ko. Hinatid ko na sya, at habang nag lalakad kami, nagsalita siya, “Happynewyear ulit”, at may inabot siyang regalo saakin, isang singsing, napatigil ako sa pag lalakad, isinuot nya ang singsing, at hinalikan nya ako. Nagtagal ang aming halikan. Ngunit tinanong ko sya, kung ao ang ibig sabihin ng halik nayon. Mahal daw ako ni Carmela, napakasayang newyear yun, daig ko pa ang naghanda ng labindalawang prutas at nagsuot ng polcadots, sa sobreng swerte ko.

Tumagal ang relasyon namin, hanggang nag valentines, summer vacation, balik eskwela ulit. Last year nanamin sa college. Masaya ako at kasama ko pa rin sya. Masaya kaming dalawa, madalas naming tambayan ang ilalim ng puno ng narra. Palagi ko sya pinapasan pag papaakyan na kami sa bundok, mataas kasi ang kinatatayuan ng puno ng narra, pero kahit na hirap na ko tinitiis ko. Pag dating naming sa taas, uupo kami at paiinumin nya ko ng baon nyang tubig. Madalas syang nakadantay sa balikat ko tuwing magkkwento sya.

October 15, 2011, gabi na noon, galling kami sa eskwelahan. May kailangan akong tapusing project kaya, ayun sabi nya, wag ko na daw sya ihatid, panatag naman ako, at umuwi na.

11:25 ng gabi, Habang abala ako sa pag gawa ng reaserch paper naming. Nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Carmela marami na palang missed call ngunit hindi ko napansin. Sinagot ko, umiiyak sya. Dalidali akong tumakbo patungo sa kanyang apartment. Magulo ang kwarto, basag ang vase, at may tapis na kumot si Carmela. Lumapit ako at niyakap ko sya, Ano ang nangyari, sabi ko. Ang tanging lumabas lang sa kanyang bibig ay “si Angelo, si Angelo”.
Naiyak sya, magdamag ko syang yakap at hindi nya binibitawan ang mga braso ko. Nang umaga ding iyon, pinilit kong pakalmahin si Carmela. Iyak sya ng iyak. Galit ang nararamdaman k okay Angelo, at nsa isip ko na patayin nalamang sya. Ikinuwento ni Carmela “kumatok sya, ng una binuksan ko, napansin ko na mukang langu sya sa droga, natakot ako John, tinawagan na kita ngunit hndi mo sinasagot, kumatok ulit siya, sabi nya hihingi sya ng tawad sa ginawa nya saakin, sabi nya hihintayin nya ko lumbas kahit anong mangyari, akala ko totoo John, pinwersa nya ko ng binuksan ko ang pinto, hinalay nya ko John, malakas sya , wala akong nagawa, John Im sorry…… Im sorry…Im sorry..”. Napatulo ang luha ko dahil naawa ako sa kalagayan ni Carmela.

Hindi ko sya iniwan, mas lalo ko syang minahal at inalagaan, araw araw na kong nasa tabi nya, at hndi ako lumilingap. Kahit nab akas pa rink ay Carmela ang mga nangyari, pinilit nyang bumalik sa normal para saakin. Mahal ko sya, hindi ko sya kayang iwan, mahal na mahal…
Napapansin ko habang dumadaan ang mga araw .. bumababa ang immune system ni Carmela, madlas sya, nasusuka, nahihilo, at nagkakasakit ng kung ano ano.

November 30, 2011, nadiagnose na may AIDS si Carmela, nakuwa nya sa pang hahalay ni Angelo. Dumaan ang mga buwan mas lalong humihina si Carmela, hangang sa naconfine na sya sa ospital.

April 15, 2012, bumili ako ng gamot. Kausap ni Carmela ang doctor, hindi nya naramdaman na nakikinig ako. Sabi ng doctor 5 days nalang daw ang buhay ni Carmela,. Napatulo ang luha ko ngunit pinigil kong umiyak. Tumuloy ako sa pakikinig ng usapan nila. “Doc, please wag nyong sasabihin kay John kung hangang san nalang ako, ayokong maging malungkot pa sya sa mga natitirang araw ko ditto sa mundo, gusto ko maging masaya sya hangang  sa huling hininga ko, Doc, please. Mahal ko siya”.
Sinunod ko ang narinig k okay Carmela, hindi ako nagparamdam ng kahit na anong lungkot sa mga lumilipas pang araw. Natutulog ako sa tagiliran nia hawak magdamag ang kamay nya.. pag gising lilinisan at pakakainin ko sya.. nanunuod kami ng movie, at nag kwentuhan.. Sa tuwing nakikita ko na may narramdaman syang sakit, lumalabas ako, pinipigilan kong maiyak sa harapan nya.

April 19, 2012, Umaga noon ng nirequest ni Carmela na lumabas na sa ospital .. ayaw ko pumayag ngunit pinag pilitan nia .,. Inaya nya ako sa taas ng bundok sa ilalim ng puno ng narra, kung saan palagi kami nagppunta. Pinasan ko sya, habang yakap nia ako ng mahigpit, nagkkwento pa dn sya, sabi niya napakaswerte nya dahil nagkaroon sya ng John. Sabi ko naman , syempre… ako pa, e gwapo na, mahal na mahal ka pa, kaya wag mo ko pakakawalan.! Natawa siya at , tinapik ang dibdib ko ..

Sunset…., namiss ko to matagal din kami hndi napunta ditto.. naka sandig ang ulo nia sa balikat ko, tahimik kaming nanunuod sa pag lubog ng araw,  bigla sya nagsalita ng “John, masaya ako dahil naging kaibigan kita ng napakatagal, masaya ko na nakilala ko ang buong pagkatao mo, mahal kita, gusto ko maging masaya ka, gusto ko umiyak ka pag nawala ako, gusto ko akolang ang isipin mo at ubusin mo ang luha mo, pero gusto ko din na pagtapos ng isang buwan na pag iyak mo.. ngingiti ka na, mag aaral ng mabuti, makikipag barkada, magsisimba, at pag tumagal tagal pa , mag mahal ka ulit.. gusto ko gawin mo lahat to kasi diba mahal mo ko? John mangako ka john”
Itinaas ni Carmela ang kamay ko , at pinasambit sakin na..”mahal kita Carmela, at gagawin ko kung ano man ang ikaliligaya mo!”. Hinalikan ko sya, tumulo ang luha nya, napaiyak ako. Hndi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Hinintay naming matapos ang sunset, … hawak naming ang kamay ng isat isa.. ng maramdaman kong bumitiw na sya……. Wala na si Carmela, pero nangako sya na ako lang ang mahal nya. Hindi ko na ulit sya maipapasan at wala na akong iindahin sakit ng katawan dahil sa pag kabog nya habang malakas na tumtawa.. Mahal ko si Carmela.. at siaya lang ang laman nitong puso ko. Habang buhay. At wlang magiging hangganan an gaming pag mamahalan.!!!!!




                                                       __END__